Training for
Punong Barangay
Katarungang Pambarangay
MEDIATION SKILLS AND TOOLS IN HANDLING BARANGAY DISPUTES
CONCEPT OF MEDIATION
THE PARTIES ARE RESPONSIBLE FOR DEVELOPING THE SOLUTION TO THEIR PROBLEM.
This involves the parties’ being clear about what the problem is, suggesting ideas that will help resolve the problem, and making decisions that will solve the problem.
The MEDIATOR USE TOOLS (PROBLEM-SOLVING SKILLS AND STRATEGIES) HELP UNLOCK THE SOLUTION THAT ALREADY LIES WITHIN THE PARTIES.
REMINDER FOR THE MEDIATOR
THE PROBLEMS BELONGS TO THE PARTIES
PARTIES CAN CHOOSE TO RESOLVE IT OR NOT
Parties will have to live with consequences of not settling and that the parties have the capability of resolving the problem if they choose to do so.
MEDIATOR PROVIDES AN OPPURTUNITY FOR THE PARTIES TO SEE THE PROBLEM IN A NEW LIGHT, TO UNDERSTAND THEIR OWN NEEDS AND THE NEEDS OF EACH OTHER, AND TO CONSIDER THE BENEFITS OF SETTLING.
Why mediation skills are important?
Can decrease the level of conflict
Increase the likelihood of reaching resolution
Improve the quality of settlement.
“MEDIATION SKILLS: CREATING A CONSTRUCTIVE, WIN-WIN APPROACH TO NEGOTIATIONS”
“Interest-based negotiation” or cooperative problem solving:
parties see each other as allies instead of
enemies seeking solution which
will end the dispute.
The mediator helps the parties educate each other about the interests by having them explain to each other about their point of view.
The mediator summarizes the interest that he hears from each party
Asks parties to think about their own interest and interest of the other parties
Mediator will think about options for settlement that will meet the needs of both parties
MEDIATION SKILLS:
ACTIVE LISTENING
Listening involves working to understand :
What the person is telling you; and
What is his/her feelings about the issue
The listener lets the person know that he understood by summarizing or paraphrasing what he heard. “A mirror of the speakers’ thought and feeling”
MEDIATION SKILLS:
Strategic Tools to Create Flexibility
A. THE CAUCUS – It is separate, confidential meeting with the parties.
It used as a “cooling off period”.
PREVENTION AND INTERRUPTION OF HEATED ARGUMENT – mediator may interrupt the parties and.
Remind them of ground rules and ask for their cooperation in maintaining a level of courtesy
Take a break and give the parties a chance to cool off
Caucus with each party to allow each to “vent” their feelings away from the other party
REALITY TESTING
Asking the parties how they think they can achieve their goal outside the mediation process and what will cost them in terms of time and money to participate in other process.
ENVISIONING THE IDEAL AND THE FUTURE
FRAMING THE SOLUTION IN AN ACCEPTABLE TERMS
SUGGESTING OPTIONS
USE OF “COOLING OFF PERIOD”
USE OF HUMOR AND STORIES
USE OF GO-BETWEEN
Katarungang Pambarangay
Introduction
Ang Katarungang Pambarangay ay isang paraan ng pagsasaayos ng mga hidwaan o di-pagkakasundo na matatagpuan mismo sa lebel ng pamayanan, partikular ng barangay (“community-based dispute settlement mechanism”).
Ang pagtatatag ng ganitong sistema ay ipinag-uutos ng batas sa lokal na pamamahala, ang Local Government Code of 1991 o Republic Act No. 7160.
Pero bago pa man ang Local Government Code, may ibang batas na nauna nang nagtakda ng Katarungang Pambarangay – ang Presidential Decree 1508 ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang Batas Pambansa Blg. 337 o 1983 Local Government Code
Layunin
Magkaroon ng mabilis na pagbabahagi ng katarungan
Maiwasan ang basta-basta pagsasampa ng mga kaso sa hukuman
Mabawasan ang pagkakapatong-patong ng mga kasong dinidinig at pinagpapasyahan ng mga hukuman at sa ganoon ay maiwasan din ang pagbaba ng kalidad ng pamamahagi ng katarungan ng mga hukuman
Maipagpatuloy ang matagal nang tradisyon ng pagsasaaayos ng mga di-pagkakasundo sa isang mapayapa at makabuluhang paraan
Paraan ng Paglutas sa Di-Pagkakasundo
Sa ilalim ng Katarungang Pambarangay, pangunahing paraan ng paglutas ng mga di-pagkakasundo ay ang paghahanap ng dalawang partidong hindi nagkakasundo ng isang solusyong katanggap-tanggap sa kanila.
Ang pangunahing tungkulin ng Katarungang Pambarangay ay hindi ang magdesisyon o magpataw ng solusyon sa problema kung hindi ang magsilbing tagapamagitan (mediator) at tagapagkasundo (conciliator) ng mga nag-aaway na partido.
Bagama’t sa ilang pagkakataon ay may pagbibigay din ng desisyon sa ilalim ng Katarungang Pambarangay, ang pangunahing layunin nito ay matulungan ang mga partidong may di-pagkakasundo na mapag-usapan ang kanilang problema at makahanap ng makatarungang kalutasan na matatanggap nila.
Struktura ng Katarungang Pambarangay
Punong Barangay
Barangay Secretary
Lupong Tagapamayapa
Pangkat ng Tagapagkasundo
Punong Barangay
Bukod sa kaniyang iba pang katungkulan bilang local chief executive at presiding officer ng Sangguniang Barangay, ang Punong Barangay ang siya ring may katungkulang siguruhin ang maayos na paggalaw ng Katarungang Pambarangay.
Ang tungkulin niya kaugnay nito ay nahahati sa tatlong pangkalahatang gawain:
pagsasagawa ng pagkakasundo (mediation o conciliation);
pagbubuo ng Lupon; at
pagbubuo ng Pangkat.
Punong Barangay – Pangkalahatang Tungkulin
Tanggapin ang lahat ng nakasulat na reklamo o isulat ang lahat ng verbal na reklamo
Abisuhan ang nagrereklamo (complainant) ng petsa ng unang paghaharap (hearing o conference)
Padalhan ang inirereklamo (respondent) ng Summons o patawag na nag-uutos dito na humarap sa tanggapan ng Punong Barangay sa loob ng limang (5) araw para sa pagsasaayos ng reklamo
Magpasumpa kaugnay ng anumang bagay na may kinalaman sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay
Magdesisyon sa ano mang pagtutol sa lugar na pinagdarausna ng pagkakasundo at magpatunay (certify) na nag pagtutol ay naayos na o kaya ay walang ganoong uri ng pagtutol

Magsagawa ng pamamagitan (mediation) kaugnay ng anumang reklamong kinasasakupanng sistemang Katarungang Pambarangay at ng kanyang hurisdiksiyon
Isulat ang kundisyon ng anumang pagkakasundong narating ng mga partido sa wikang nauunawaan ng magkabilang partido, papirmahan ito sa kanila at magbigay ng pagpapatotoo sa paggawa ng nasabing kasunduan
Pagpasyahan (arbitrate) ang reklamo sakaling ang mga partido ay may kasulatang nagsasabing sila ay pumapayag na pagpasyahan ang reklamo. Kaugnay nito, maaring magtawag ng pagdinig o hearing ang Punong Barangay para sa paglalahad ng ebidensiya ng mga partido na siyang susuriin at pagbabatayan niya sa pagsasagawa ng desisyon na isusulat sa wikang nauunawaan ng magkabilang partido.
Barangay Secretary
Magtago at magpanatili ng isang record book na magiging talaan o listahan ng lahat ng reklamo na isinampa sa tanggapan ng Punong Barangay. Itatala ang bawat reklamo ayon sa petsa ng pagsampa at ililista rin ang pangalan ng mga partido, ang petsa at oras ng reklamo, ang uri ng kaso pati na rin ang kinalabasan nito
Magtala ng resulta ng mga mediation na isinagawa sa harap ng Punong Barangay at magsumite ng ulat sa lokal na korte
Magtala ng sinasadyang di-pagdalo ng isang testigo matapos itong padalhan ng isang subpoena
Magtala ng sinasadyang di-pagdalo ng isang partido matapos itong padalhan ng summons at maglabas ng isang pagpapatotoo sa pagbabawal sa pagrereklamo o pagkokontra-reklamo (certification to bar action or counterclaim)
Tumanggap at magtala ng mga rekord ng mga kaganapan o proceedings ng mga nabuong pangkat
Barangay Secretary
Magsumite ng anumang Kasulatan ng Pagkakasundo o arbitration award saangkop na korte
Magpalabas ng certification na kinakailangan upang makapagsampa ng kaso sa anumang korte o pampamahalaang opisina para sa pagpapasya matapos magkaroon ng paghaharap ang magkabilang partido at isang kasunduan ang kinalabasan, pero binawi ito ng isang partido.
Magpalabas ng certification na nagbabawal sa nagreklamo na magsampa ng kaso o sa inirereklamo na magharap ng kontrareklamo matapos ang sadyang di-pagharap ng mga partidong nabanggit sa mga pulong na tinawag.
Magbigay ng kopya ng anumang Kasulatan ng Pagkakasundo o arbitration award sa lahat ng partido at sa Punong Barangay
Magpalabas ng certified true copy ng anumang dokumentong nasa kanyang pangangalaga at hindi itinatakda ng batas bilang confidential
Lupong Tagapamayapa
Ang Lupon ang grupo ng mga mamamayan na may tungkuling pagkasunduin ang mga partidong may di-pagkakasundo, o sa mga angkop na sitwasyon, pagpasyahan ang mga hidwaan na inihaharap sa barangay,
Ito ay binubuo ng Punong Barangay, bilang chairperson, at ng hindi bababa sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampung (20) kasapi.
Ang sinumang maninilbihan bilang kasapi ng Lupon ay dapat na aktuwal na residente o nagtatrabaho sa barangay kung saan siya nahirang bilang kasapi nh Lupon. Dapat ring may taglay siyang integridad, kawalan ng pagkiling, kalayaan ng kaisipan, reputasyon sa pagiging mapagsuri at iba pang makabuluhang konsiderasyon.
Lupong Tagapamayapa - Diskwalipikasyon
Sinumang mas mababa sa labingwalong (18) taong gulang
Sinumang naipahayag sa ilalim ng batas bilang walang kakayahan (incompetent)
Sinumang nasentensiyahan dahilan sa krimen na may kaakibat na parusang pansamantala o permanenteng diskwalipikasyong humawak ng anumang pampublikong opisina o posisyon
Sinumang nahalal na pampublikong opisyal maliban na lamang sa mga opisyal na pinapayagan ng batas o ng mga pangunahing tungkulin ng kanyang posisyon na humawak ng ibang posisyon
Sinumang kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na aktibong naninilbihan
Lupong Tagapamayapa –
Paraan ng Pagbuo
Sa loob ng labinlimang (15) araw mula sa umpisa ng kanyang panunungkulan, ang Punong Barangay ay magpapalabas ng isang abiso upang buoin ang Lupon at listahan ng mga iminumungkahing mga pangalan na hindi bababa sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu (20).
Ipapaskil ang abiso sa tatlong (3) hayag na lugar sa barangay at sa panahong hindi bababa sa tatlong (3) linggo.
Lupong Tagapamayapa – Paraan ng Pagbuo
Sa loob ng sampung (10) araw mula sa huling araw ng pagpapaskil, magtatalaga (appoint) ang Punong Barangay ng mga kasapi ng Lupon na hindi bababa sa sampu (10) at hindi hihigit sa dalawampu (20). Ang pagtatalaga ay nakasulat at patototohanan ng Barangay Secretary. Ipapaskil ang listahan sa tatlong hayag na lugar hanggang sa matapos ang panunungkulan ng Lupon.
Oras na sila ay maitalaga, ang mga kasapi ng Lupon ay manunumpa sa harap ng Punong Barangay. Ang kanilang panunungkulan ay para sa tatlong (3) taon maliban na lamang kung ito ay maputol dahil sa pagkamatay, pagbibitiw (resignation), paglipat ng tirahan o pinagtatrabahuhan sa ibang barangay, o pagbawi sa kanyang pagkakatalaga bilang kasapi ng Lupon na maaring gawin ng Punong Barangay nang may pagsang-ayon ng nakararami (majority) sa mga kasapi ng Lupon.
Kung may mangyaring pagbabakante sa Lupon, magtatalaga agad ang Punong Barangay ng kapalit at ang naitalagang bagong kasapi ay manunungkulan lamang sa nalalabing panahon ng termino ng pinalitang kasapi ng Lupon.
Lupong Tagapamayapa –
Mga Tungkulin
Magsagawa ng administratibong pamamahala (administrative supervision) sa lahat ng pangkat ng tagapagkasundo
Magpulong nang regular sa loob ng isang beses bawat buwan upang magkaroon ng pagkakataon na magpalitan ng mga ideya, kuro-kuro, at karanasan upang lalo pang mapahusay at mapabilis ang pagsasaayos ng mga hidwaan
Mag-usap at magpasya sa usapin ng pagbawi ng pagtatalaga ng Punong Barangay sa isang kasapi ng Lupon matapos ang kaukulang abiso at pagdinig sa kaso
Magpatupad, sa pamamagitan ng execution, at sa pamumuno ng Punong Barangay, ng mga pagkakasundo (amicable settlement) o desisyon (arbitration award)Oras na sila ay maitalaga, ang mga kasapi ng Lupon ay manunumpa sa harap ng Punong Barangay.
Pangkat ng Tagapagkasundo
Binubuo ang Pangkat sa pamamagitan ng pagpili ng mga partido ng tatlong (3) pangalan mula sa listahan ng mga kasapi ng Lupon sakaling hindi naging matagumpay ang pagkakasundo sa pamamagitan ng Punong Barangay.
Kung hindi magkasundo ang mga partido sa mga taong bubuo sa Pangkat, bubuoin ang Pangkat sa pamamagitan ng pagbunot ng pangalan ng mga tao o taong magiging kasapi ng Pangkat.
Ang pangunahing tungkulin ng Pangkat ay subuking pagkasunduin ang mga partido matapos hindi magkasundo sa harap ng Punong Barangay.
Mga Kasong Sakop (Scope)
Bilang pangkalahatang panuntunan, lahat ng hidwaan ay dapat dumaan sa Katarungang Pambarangay at kung hindi ito masusunod, hindi maaaring isampa sa korte ang kasong hindi pa dumaan sa Katarungang Pambarangay.
Gayunpaman, may ilang uri ng kaso na hindi sakop ng ganitong patakaran at hindi na kinakailangang dumaan sa Katarungang Pambarangay bago maisampa sa korte o sa iba pang tanggapan ng pamahalaan.
Mga Kasong Hindi Sakop
Kung ang isang partido ay ang pamahalaan o ano mang ahensiya o opisina nito
Kapag ang isang partido ay pampublikong opisyal at ang usapin o hidwaan ay tungkol sa pagsasagawa niya ng kanyang opisyal na tungkulin
Mga krimen na ang parusa ay higit sa isang taong pagkabilanggo o multa na higit sa limang libong piso (P5,000.00)
Krimen na walang pribadong naperhuwisyong partido (halimbawa, jaywalking)
Mga hidwaan na tungkol sa real property (lupa, gusali, at iba pa) na matatagpuan sa iba-ibang bayan o lungsod maliban kung may pagpayag ang mga partido na magharap at isampa ang kaso sa isang lupon
Mga Kasong Hindi Sakop
Mga hidwaan sa pagitan ng mga partido na naninirahan sa mga barangay ng magkaibang lungsod o bayan maliban na lamang kung ang mga barangay ng mga partido ay magkaratig o magkatabi at sumang-ayon ang mga partido na isumite ang kaso sa isang lupon
Kasong kriminal kung saan ang akusado ay nakakulong
Kung ang taong sangkot ay nakakulong at nangangailangan ng aksiyong habeas corpus
Kasong may kasamang provisional remedies gaya ng preliminary injunction, support pendente lite, attachment, delivery of personal property
Kasong maaaring mapaso ang pagsasampa dahil sa statute of limitations
Mga Kasong Hindi Sakop
Kung ang isang partido ay korporasyon, partnership, kooperatiba o iba pang juridical o hindi natural na tao
Hidwaan tungkol sa ugnayang employer-employee
Hidwaang nagmumula sa relasyong pang-agraryo
Reklamo upang ipawalambisa ang desisyon ng korte batay sa isang kasunduan
Diversion
Sa ilalim ng bagong Juvenile Justice Law, bahagi ng diversion program sa mga kasong ang parusa ay hindi lalagpas sa anim (6) na taong pagkabilanggo ang “mediation, family conferencing and conciliation” ng Punong Barangay sa tulong ng local social welfare and development officer.
Barangay Protection Order
Sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act, hindi dapat isailalim sa pagkakasundo (conciliation o mediation) ang mga kaso ng karahasan na sakop ng batas na ito.
Maaaring magpalabas ng Barangay Protection Order (BPO) laban sa nagsasagawa ng karahasan o nananakot na magsasagaw ng karahasan na nag-uutos sa kanya na itigil ang pagsasagawa ng karahasan o pananakot ng karahasan sa babaeng biktima o sa kanyang anak.
Ang Punong Barangay ang maaaring magpalabas ng BPO. Kung wala ang Punong Barangay o hindi makakilos para magpalabas ng BPO, sinumang Kagawad ay maaring magpalabas nito.
Lugar ng Pagkakasundo (Venue)
Ang venue ng isang kaso ay ang lugar (barangay) kung saan dapat itong dalhin para sa pagkakasundo sa ilalim ng Katarungang Pambarangay. Madaling malaman ang venue kung ang magkabilang partido ay nakatira sa iisang barangay, Sa ganitong pagkakataon ang barangay na kapwa nila tirahan ang siyang tamang venue para sa kanilang hidwaan.
Anumang pagtutol sa venue ay maaaring sabihin sa Punong Barangay sa panahon ng paghaharap sa kaniya. Kung hindi ipinahayag ang pagtutol sa panahong ito, hindi na ito maaari pang gawin. Ang Punong Barangay ang magdedesisyon kung tama ba ang venue ng reklamo.
Venue
Kung ang mga partido ay naninirahan sa magkaibang barangay, ang kaso ay isasampa sa barangay kung saan naninirahan ang inirereklamo o respondent o alinman sa mga inirereklamo. Kung maraming inirereklamo at nakatira sila sa iba-ibang barangay, ang nagrereklamo o complainant ang pipili kung alin sa mga barangay na tirahan ng mga inirereklamo ang pagdadalhan sa kaso.
Ang hidwaan na tungkol sa real property ay dadalhin sa barangay kung saan matatagpuan ang nasabing ari-arian.
Ang hidwaang nagsimula sa lugar ng trabaho, kung saan ang magkabilang partido ay nagtatrabaho, o institusyon kung saan ang mga partido ay nag-aaral, ay kailangang dalhin sa barangay kung saan matatagpuan ang nasabing lugar ng trabaho o institusyon.
Paraan ng Pag-aayos
May dalawang magkaibang paraan ng pag-aayos ng hidwaan sa ilalim ng sistemang Katarungang Pambarangay:
pagkakasundo o amicable settlement; at
pagdedesisyon o arbitration.
Ang pagkakasundo ay nagbubunga ng isang nakasulat na kasunduan na tinatawag ding amicable settlement samantalang ang pagdedesisyon naman ay nagbubunga ng isang kapasyahan na tinatawag na arbitration award.
Paraan ng Pagkakasundo
Paghahain ng reklamo kasabay ng pagbabayad ng kaukulang bayarin para rito.
Sa sumunod na araw mula sa paghain ng reklamo, magpapalabas ang Punong Barangay ng summons o pagpatawag sa inirereklamo, na may abiso rin sa nagreklamo, na nagsasabing kailangan silang humarap sa Punong Barangay kasama ang kanilang mga testigo para sa isang pag-uusap.
Mag-uusap sa harap ng Punong Barangay ang mga partido kung saan agsisilbing tagapamagitan ang Punong Barangay.
Kung nagkasundo ang mga partido sa paghaharap nila sa Punong Barangay, gagawa ang Punong Barangay ng isang nakasulat na kasunduan o amicable settlement sa wikang nauunawaan ng mga partido. Pipirmahan ito ng mga partido, at patototohanan ng Punong Barangay.
Paraan ng Pagkakasundo
Kung walang nangyaring kasunduan sa harap ng Punong Barangay sa loob ng labinlimang (15) araw mula sa unang paghaharap ng mga partido, itatakda ng Punong Barangay ang isang petsa para sa pagbuo ng Pangkat ng Tagapagkasundo.
Maghaharap ang mga partido para piliin mula sa listahan ng mga kasapi ng Lupon ang tatlong (3) taong magiging kasapi ng Pangkat. Kung hindi sila magkasundo sa pagpili sa mga kasapi ng Pangkat ang pagpili ay gagawin sa pamamagitan ng pagbunot sa pangalan ng mga kasapi ng pangkat mula sa mga pangalan ng mga kasapi ng Lupon.
Paraan ng Pagkakasundo
Sa panahong hindi lalagpas sa tatlong (3) araw mula nang mabuo ang Pangkat, ito ay magpupulong at didinggin ang mga partido at kanilang mga testigo. Para rito, magpapadala ang pangkat ng summons o patawag sa mga partido at sa kanilang mga testigo. Ang Pangkat ay mayroong labinlimang (15) araw mula sa unang pagpupulong nito para subuking pagkasunduin ang mga partido. Sa pagpapasya ng pangkat mismo, ang panahong ito ay maaaring madagdagan ng hindi lalampas sa labinlimang (15) araw, maliban na lamang sa ilang di-pangkaraniwang kaso.
Kung may nangyaring pagkakasundo sa harap ng Pangkat, gagawa ang Pangkat ng isang nakasulat na kasunduan o amicable settlement sa wikang nauunawaan ng mga partido. Pipirmahan ito ng mga partido, at patototohanan ng Chairperson ng Pangkat.
Paraan ng Pagkakasundo
Kung hindi nagkasundo ang mga partido sa harap ng Pangkat, maaari nang dalhin ang kaso sa korte o sa angkop na tanggapan ng pamahalaan.
Maglalabas na ang secretary ng Pangkat ng certification na maari nang dalhin sa korte o angkop na tanggapan ang kaso dahil nagharap na sa pangkat ang mga partido at walang nangyaring kasunduan o kaya ay walang nangyaring paghaharap sa dahilang hindi kasalanan ng nagreklamo.
Paraan ng Pagkakasundo
Sa lahat ng mga paghaharap, kailangang personal na dumalo ang mga partido nang walang abogadong kasama o pakikialam ng sinuman. Ang mga menor de edad o mga walang sapat na katinuan o nangangailangan ng tulong ng iba, ay maaaring tulungan ng kanilang malapit na kamag-anak na hindi dapat abogado.
Ang sadyang hindi pagdalo ng nagreklamo ay mangangahulugan ng pagka-dismiss sa kanyang reklamo at ang paglabas ng certification na hindi na niya maaaring dalhin sa korte ang kanyang reklamo. Kung ang inireklamo ang sadyang hindi dumalo, ang kanyang kontra-reklamo, kung meron man, ay madi-dismiss at maglalabas ng certification na hindi na niya pwedeng isampa sa korte ang kanyang kontra-reklamo. Maaari ring magsampa ng petisyon sa korte ang Punong Barangay o Pangkat para maparusahan ang partidong sadyang hindi humarap sa pagpupulong.
Sinasabi sa Implementing Rules ng Katarungang Pambarangay na kung hindi humarap ang inireklamo sa Punong Barangay, katungkulan pa rin ng Punong Barangay na buoin ang Pangkat.
Paraan ng Pagdedesisyon
Sa alinmang hakbang sa paraan ng paghaharap sa ilalim ng Katarungang Pambarangay, maaaring magkaroon ng nakasulat na kasunduan ang mga partido na pumapayag silang desisyunan ng Punong Barangay o ng Pangkat ang kanilang hidwaan at susunod sila sa ganoong desisyon. Kung mangyari ito, saka lamang magkakaroon ng kapangyarihan na magdesisyon sa kaso ang Punong Barangay o ang Pangkat.
Ang kasunduan na padesisyunan ang kaso ay maaring bawiin ng isang partido sa dahilang ang kanyang pagpayag ay nakuha sa panlilinlang (fraud), karahasan (violence), o pananakot (intimidation). Maaring gawin ito sa loob lamang ng limang (5) araw matapos ang kasunduan na padesisyunan ang kaso.
Ang hidwaan ay kailangang desisyunan ng Punong Barangay o ng Pangkat pagkalipas ng panahon sa pagbawi sa kasunduang padesisyunan ang kaso at sa loob ng sampung (10) araw mula sa paglipas ng panahong nabanggit.
Epekto ng Kasunduan o Desisyon
Ang kasunduan (amicable settlement) o desisyon (arbitration award) ay may parehong bisa ng isang pinal na desisyon ng korte makalipas ang sampung (10) araw mula sa paglabas nito, maliban na lamang kung may nangyaring pagbawi (repudiation) sa kasunduan o isang petisyon na ipawalang-bisa ang desisyon.
Ang isang partido ay maaring magbawi (repudiate) sa kasunduang naabot sa ilalim ng Katarungang Pambarangay sa loob ng sampung (10) araw mula sa petsa ng pagsagawa sa kasunduan. Gagawin ang pagbawi sa pamamagitan ng pagsasampa sa Punong Barangay ng isang sinumpaang salaysay na akuha ang kanyang pagpayag sa kasunduan sa pamamagitan ng panlilinlang (fraud), karahasan (violence), o pananakot (intimidation).
Pagpapatupad ng Kasunduan o Desisyon
Maaaring ipatupad ang kasunduan o desisyon sa pamamagitan ng execution ng Lupon sa loob ng anim (6) na buwan mula sa petsa ng kasunduan o desisyon. Pagkalipas ng panahong ito, maaari pa ring ipatupad ang kasunduan o desisyon pero kailangan na itong gawin sa pamamagitan ng paghahain ng angkop na petisyon sa korte.
Ang kopya ng kasunduan o desiyon ay ipadadala ng secretary ng Lupon sa korte ng lungsod o bayan sa loob ng limang (5) araw mula sa petsa ng desiyon o pagkalipas ng sampung (10) araw para sa pagbawi ng kasunduan. Bibigyan din ng kopya ang mga partido at ang Punong Barangay.

Duties and Functions | |
File Size: | 190 kb |
File Type: | doc |